Mga Imbak na Marka: Epal

Mga Pulitikong Epal at GC sa Pangangampanya

Naninilaw ang buong kapaligiran. Ano ba ‘tong nakikita ko? Kay tamis pa ng kanilang mga ngiti, tila napakabait. Nasa langit na ba ako? Nasaan na si San Pedro? Ngunit, bakit ganito? Akala ko ba, puro puti lamang ang makikita sa kalangitan? Bakit pinaliligiran ako ng dilaw? Teka, ano itong nakasulat sa ibaba ng kanilang mga mukha? Maligayang pasko’t manigong bagong taon? Happy Valentines Day, Happy Chinese New Year, Happy Graduation Day? Lahat ng mga happy-happy meroon lahat! Pusang gala! Nalimutan ko, eleksyon na naman pala kaya nagpapaskil ng mga ganito ang mga pulitikang uhaw sa atensyon!

Pagpasok sa eskwelahan, nakita kong nagmamadali si Eps. Tinanong ko kung may nangyaring masama kay Prof. Aga, matutuwa na sana ako nang iba ang isinagot ni Eps, nagmamadali s’ya dahil magpapasa raw ng mga grado para scholarship na ipinapamudmod ni Mayor B. Naliwanagan ako sa sagot nito.

images (1)

Eleksyon na nga talaga! Andaming naglipanang tarpaulin (na kulay dilaw) leaflets (na kulay dilaw din), flyers (isa pang kulay dilaw), banners (paulit-ulit?), at Billboard (astig! burgis itong pulitikong ito aah) na idinikit sa poste, dingding, sari-sari store, poste ng kuryente, gate ng subdivision, simbahan, pampublikong palikuran, dyip, bus, tricycle, punerarya (‘kala naman makakaboto ang mga patay), bingguhan, sugalan, loterya, eskwelahan at marami pang iba (mga isan’daang lugar pa). Mga EPAL ang tawag sa ganitong mga pulitiko. Magpatuloy magbasa Mga Pulitikong Epal at GC sa Pangangampanya