Category Archives: Kasaysayan

Kalayaan: Isang Hamon sa mga Pilipino

Laya. Kalayaan. Paglaya. Pagpapalaya. Ilang mga salitang nagmula sa salitang-ugat na “laya” o, sa ingles, “free”. Kung ating mapapansin ang pagkakasunod-sunod, ang kalayaan ang nauna. Ang salitang “kalayaan” ay isang abstract na salita kung saan ay binubuo ng mga ideya at pansariling perspektibo ng isang indibidwal. Sumunod ay ang salitang “paglaya”. Isang salitang maaring naglalarawan ng kasalukuyang aksyon. At ang pinakahuli ay ang “pagpapalaya” na naglalarawan naman ng isang ideyang gagawin pa lamang.

Ang kasaysayan ng Pilipinas ay maaring maihalintulad lamang sa apat na mga salitang ito. Mula sa simula hanggang sa hinaharap. Noong una’y naging malaya tayo kaya naman nabuo ang konseptong “laya” sa ating isipan at damdamin. Namuhay tayong walang limitasyon at may mayabong na sibilisasyon at kultura. Nang du,ating ang mga kastila, nandilim ang ating bayan sa takot at pangamba. Maraming pinagkaitan ng karapatang maging malaya, at ang mas malala, ang karapatan sa ating sariling buhay.  Samakatwid, nawalan tayo ng “laya”. Ngunit, ginamit natin ito bilang sandata upang mabuo ang konseptong “kalayaan”. Nariyan ang mga magigiting na bayaning humubog at pumorma sa isipan upang makamit ang “abstract” na ideya ng “kalayaan”.

Dahil dito sa mga bayaning ito, at dahil sa dakilang diwa ng kalayaan na kanilang hinubog, nakamit natin ang “paglaya” ng ating bansa sa lahat ng dayuhang pwersa, pati na rin sa mapangabusong gobyerno ng bansa. Nakamit nating ang paglaya simula sa pangaagaw ng Espanya, Estados Unidos at mga Hapon sa ating bansa hanggang sa pagiging gahaman ng isang diktador.

“Ganito kami noon. Paano kayo ngayon?” sinabi nga ng isang pelikula ni Direk Romero. Ganito sila noon, pinaglaban ang diwa ng “kalayaan” at nakamit ang “paglaya” ng ating bansa. Ngunit, paano tayo ngayon? Doon na papasok ang panghuling salitang “pagpapalaya”. Hindi naipapamana ang kalayaan ng basta-basta na lamang o nakukuha sa isang konteyner ng madali kung kinakailangan. Ang kalayaan ay ipinaglalaban at patuloy na ipinaglalaban. Dugo’t pawis ang puhunan upang makuhang muli ang kalayaan at sa wakas, ay tayong mga kabataan ay makapagpalaya di lamang ng ating bayan kundi pati na rin ng ating mga kabaro. Trabaho natin, bilang bagong binhi ng ating lahi na lumago at gumanda parang isang tunay na halaman upang makatulong sa ating bayan. Sana nama’y mapagtanto natin sa ating mga sarili ang magpalaya ng mata at isip ng ating kapwa. Upang makamit nating muli ang dakilang diwa ng kalayaan. Upang maipaglaban ang kalayaan na pinaghirapan ng ating mga kapatid sa Inang Bayan.

 

YT6SRP75TSXX

Labanang Asyano sa Asyano: Vietnam Aid Law

220px-Ferdinand_Marcos_at_the_White_House

Bago pa man maiproklama si Marcos noong 1965, nilabanan na n’ya kaagad ang ideyang magpadala ng isang batalyon ng sundalo sa Vietnam War kung saan sangkot ang makapangyarihang bansa sa ilalim ng kanilang Presidenteng si Johnson. Bilang kandidato sa pagka-presidente, sinabi ni Marcos na:

History shows that every nation that fell to communism owed its defeat not to foreign invasion but to disintegration grom within through the failure of     its leadership and its institutions.
The sending of combat troops will commit our country to war without     regard for the provision of our Constitution for a declaration of war, and in the     face of the express mandate in which we renounce war as an instrument of     national policy.
What South Viet Nam needs is the will to fight, which cannot be     exported.
It (Philippine-American friendship) will be served today and in the future     by Filipino leaders who act with becoming dignity and maturity as well as true     good will toward America, rather than those who miss no chance to yelp their     loyalty and manifest a canine devotion which only results in embarrassing     America no less than the Philippines before the whole world.

Makikita nating tutol ang Presidente Marcos sa labanang ito. Ngunit nang siya ay nakaupo na sa pagiging Presidente ng Pilipinas, nagulat ang lahat ng binawi ang kapahayagan niyang ito. Nagkaroon ng isang bill kung saan maaring magpadala ng tulong sa Amerika laban sa mga Viet-Cong (North Vietnam)

Maraming humusga sa kanya at naghinalang kinumbinsi siya ng Amerika upang tumulong sa labanan ng South at North Vietnam. Nagsilabasan kritiko sa porma ng dailies at weeklies na Philippine Free Press at Graphics.

Maraming kumontra sa bill ‘di lamang dahil sa pagbabagong anyo ni Marcos, ngunit, pati na rin dahil sa kahinahinalang pakay na bill. Ang argumento ng mga kumontra ay ang walang kakayanan ng ating bansa na gumastos ng milyung-milyong piso para lamang sa gera. Isa pa, hindi naman natin laban ang laban na iyon, laban ito ng Amerika. Ang iba naman ay nagsasabing kinumbinsi tayong makisali para mawaksi ang kaisipan ng ibang bansa na “labanan ng mga lahi” ang giyera sa Vietnam. Samantalang ang tanging argumento lamang ng mga sangayon ay upang hindi mahulog ang Pilipinas sa banta ng Komunismo.

Dahil sa bill na ito. nagkaroon ng dalawang panig ang Senado. Ang tinatawag na “Doves” (ang mga kontra sa Bill) at “Hawks” (ang mga sangayon sa bill). Noong una’y maraming kumontra. Ngunit dahil sa kapangyarihang mangumbinsi ng mga tao ni Marcos, nagbago ang stand ng mga “Doves” at naging “Hawks na ang mga ito. Dahil dito, naging batas ang sinabing Bill.

Ito na nga ba ang simula ng “mutual understanding” ng Amerika at Pilipinas? Hanggang sa ngayon, nakikita natin ang pangingialam ng maimpluwensiyang bansa na ito sa pamamahala sa ating mga pinuno. Nagsilbing “adviser” ng Pilipinas ang US at naging basehan ng mga batas pati na demokrasya sa bansa. Nagawa rin nating labanan ang kapwa natin asyano pala lamang sa kapakinabangan ng U.S. Kelan kaya tayo makikipaghiwalay sa kanila? Kapag lamog na ang ating katawan sa pambubugbog sa atin ng mga Dayo?

Alamin ang Kasaysayan: Pagintindi ng Sitwasyon sa Sabah

Naalala ko nung ako ay bata pa, gumuhit ako ng mapa ng Pilipinas at tandang-tanda ko pa na kasama kong iginuhit ang Sabah sa ilalim ng Pilipinas. Noong ako’y lumaki na, nagtaka ako kung bakit ang mga mapang nabibili ko sa NBS ay walang naka-drawing na Sabah. Nalaman ko na lamang ito na tinanggal na pala ito sa Pilipinas. Buong akala ko, nasa Malaysian Government na ang mayamang lupaing ito. Nagulat na lamang ako nang umapoy na naman ang baga at lumabas na naman ang walang kamatayang isyung ito. Maski ako ay naguguluhan, ano na bang nangyayari sa lupaing iyon? Bakit ipinaglalaban pa rin ito ng mga kapatid nating Muslim? Ano ang nasa likod ng isyung ito?

Rel_sea.preview Magpatuloy magbasa Alamin ang Kasaysayan: Pagintindi ng Sitwasyon sa Sabah

Piping Pinoy: Ang Batas Militar ni Marcos

5centavo_error_r

“Bagong Lipunan”, yan ang tawag sa lipunan ng rehimeng Marcos. Disiplina ng mamamayan para sa ikauunlad ng bayan. Nadisiplina at nagbago nga ba talaga ang lipunan? Ano ang buhay ng mga kabataan sa panahong ito ni Marcos?

Sa pagbabasa ng mga librong pangliteratura, nadiskubre ko na napakamasalimuot pala ng pamumuhay noong panahon ng Batas Militar. Taliwas ito sa mga sinasabi ng mga matatanda na kay ganda at kay tahimik ng buhay sa ilalim ng pamumuno ng dating pangulong Marcos. Hindi matatanda ang makapagsasabi ng totoong sitwasyon noong mga panahon ng impyerno, kundi ang mga kabataan.

PD_1081
Unang yugto ng Batas Militar, nagbago ang kapaligiran. Pilit na pinaganda ang lahat ng nasa paligid, maraming ginawang mga imprastraktura, at mas lalong ginawang makulay ang kapaligiran. May ibang nagsasabi na ang mga ito ay Magpatuloy magbasa Piping Pinoy: Ang Batas Militar ni Marcos

Indio (GMA 7): Ekspektasyon sa EpicSerye

Indio-Teaser

Bilang mga Pilipino, mahalaga sa atin ang pag-alam sa kasaysayan ng ating pagka-nasyon. Mapapakita natin ang pagkapilipino ng ating lahi kung susuportahan natin ang ating sariling kultura at kasaysayan. Dahil itinuturing na nasa panahon na tayo ng teknolohiya, partikular na ng midya, ilan sa atin ay nakakalimot na na lamang ng mga hirap at sakripisyong pinagdaanan ng ating mga bayani. Tuwing naiisip ko ang panahon kung saan lumalaban ang pilipino sa tiranya ng mga Kastila, nalulungkot na lamang ako dahil sa pagpapakita ng pagkawalang bahala ng karamihan sa ating mga Pilipino. Tila nawawala na ang kamulatan natin pagdating sa kasaysayan ng ating bayan.
Ngunit, nabago ang lahat ng ito nang malaman ko na napakagandang kombinasyon pala upang manatili sa atin ang identidad ng pagkapilipino sa pamamagitan ng makapangyarihang midya, imahinatibong pagiisip, at higit sa lahat, kasaysayan. Sa nalalapit na pagdatal ng pinakabago at pinagkagastusang “telemovie” na Indio, maraming dumapo sa aking isipan.

524747_589767064383028_858115718_n
Dahil ang epicseryeng ito ay hinukay mula sa baul ng kasaysayan, marami akong inaabangan at inaasahan sa palabas na ito. Unang una, Magpatuloy magbasa Indio (GMA 7): Ekspektasyon sa EpicSerye

Graciano Lopez Jaena: Dakilang Orador

jaena1l

Graciano Lopez Jaena. Isa sa ating mga bayani. Isang repormistang naghahanap ng pagbabago mula sa bansang mapang-api. Isang matapang at mapusok na orador at manunulat. Ilan lamang ito sa mga katangian ni Jaena. Ngunit, paano naging bayani ang propagandist ito?

            Katulad ng ilang mga propagandista, Nagpunta si Jaena sa ibang bansa, hindi dahil sa upang mag-aral o kung ano man, kundi dahil sa isang mapanglait na manuscript. Bata pa lamang, natuto na siyang

magsulat ng mga kwento, isa sa kanyang mga ginawa ay naging dahilan ng pagkapahamak nito. Nagpaikot si Jaena ng mga sipi ng kanyang Fray Botod, kwentong tungkol sa isang mapagsamantala at masamang pari. Sa pamamahagi ng mga manuscript na ito, nagising na lamang si Jaena na pinaghahanap na s’ya ng simbahan at ng tao. Napahiya ang mga prayle sa publiko dahil sa pagrerepresenta ni Graciano sa mga pari bilang mataba, ignorante, imoral at mapagsamantala. Marahil, nakita nila ang kanilang mga sarili sa obra ni Jaena kaya naman sila nagalit ng husto. Dahil sa problemang ito ni Jaena, umalis s’ya ng bansa at pumunta sa Espanya. Magpatuloy magbasa Graciano Lopez Jaena: Dakilang Orador

Marcelo H. del Pilar: Dakilang Komedyante

 

th            Maraming tao sa kasaysayan ang punung-puno ng kulay ang buhay. Kulay na nagbigay buhay di lamang sa mga tao noon kundi tao hanggang ngayon. Habang nagbabasa ako tungkol sa mga repormista, nakuha ni del Pilar ang aking atensyon at iniwan akong tumatawa dahil sa kanyang mga isinusulat. Ikinokonsider ko si del Pilar bilang Bob Ong noong panahon ng mga Kastila. Marahil ginaya ni Bob Ong ang pagka-satirikal ni del Pilar.

Usong-uso rin ngayon ang mga banat lines na ipinauso ng mga kabataan. Siguro, ‘pag nabubuhay pa si del Pilar ngayon, s’ya siguro ang maituturing na hari ng mga Banat Lines.

Marcelo H. del Pilar. Isang bulakenyong political analyst na kumakalaban sa Espanya. nag-aral sa Kolehiyo de San Jose at nagtapos ng abugasya sa Unibersidad ng Santo Tomas. Noong 1878, napangasawa n’ya ang kanyang pinsan na si Marciana del Pilar at nagkaroon ng maraming anak ngunit si Anita at Sofia lamang ang nabuhay.

Itinatag n’ya rin ang isang makabayang diyaryong Diaryong Tagalog. isinulat n’ya rito ang pagiging makabayan at malungkot na kalagayan ng Pilipinas. Ngunit, hindi nagtagal ang diaryo at nawala na ng tuluyan. Dahil sa adbokasiya niyang ito, dinala pa rin n’ya ang kanyang paniniwala sa iba’t-ibang baryo ng Bulakan. Isang araw sa Piyestahan, itinanong n’ya sa pari: “Ilang mapaghimalang santo ba meroon dito sa Pilipinas?” “Marami!” ang sagot ng pari “Ah!”, “Kung gayon, dapat na kainggitan ng Espanya ang Pilipinas, dahil dito sa Pilipinas, lahat ng santo ay mapaghimala!” dugtong ni del Pilar. Bilang tugon, sinabi ng pari na: “Doon din sa Espanya, anak ko” at dagli naming sinagot ito ni del Pilar na: “Pero sa Espanya, hindi mapaghimala ang mga pari, ‘di tulad dito sa Pilipinas!” pabirong sabi ng Pilipino. Dahil sa sinabi ni Marcelo, nagsitawanan ang lahat ng taong nakarinig nito.

Noong 1888, sa pagtatanggol ni del Pilar sa Noli Me Tangere ni Rizal, nagsulat s’ya ng mga pamphlet laban sa akusasyon ni Jose Rodriguez. Isa sa mga inatake ni del Pilar ay ang Caingat Cayo ni Padre Rodriguez. Ginamit n’ya ang pen name na Dolores Manapat sa paggawa nito. Marami pang parodiya ang ginawa ni del Pilar. Ang pinaka nagustuhan ko ay ang “Amain Namin”:

Our uncle, who art in the convent, Magpatuloy magbasa Marcelo H. del Pilar: Dakilang Komedyante

Si Quezon Bilang Isang Rebolusyunaryo

iquezoy001p1

Kakaunti lamang ang nakakaalam sa atin na hindi lang naging presidente si Quezon, kundi naging sundalo pa ito ni Aguinaldo. Maalala lamang natin si Quezon tuwing buwan ng wika. Pero alam n’yo ba na si Manuel ay nakipaglaban din sa mga Amerikano?

Noong bagito o binata pa lamang si Quezon, napagdesisyunan n’yang sumama sa Philippine Revolutionary Forces na pinamumunuan ni Aguinaldo. Dahil sa baguhan pa nga lamang itong si Quezon, hindi n’ya alam kung ano’ng pakiramdam ng nasa giyera. naramdaman n’ya na lamang ito nang palapit na ang binata sa mga trenches. Nakaramdam s’ya ng takot at catamaran. Gusto n’ya nang tumakbo palayo sa kalaban nang marinig n’ya ang maraming putok ng baril.

Ngunit, dahil sa kagalingan nito, mabilis syang umangat at napunta sa trabahong pampapel na agad naman nitong ikinabagot. Pinakiusapan nito si Heneral Aguinaldo na ilagay na lamang s’ya bilang lider ng hukbo at nagbirong baka sakali maging isa pa s’yang militar na bayani ng Pilipinas.

Nang pumayag si Aguinaldo sa pagkapinuno nito, Magpatuloy magbasa Si Quezon Bilang Isang Rebolusyunaryo

El Presidente vs. Supremo

Dahil sa popular na El Presidente, at sa naunang pelikulang ipinalabas na hindi naman gaanong naging matagumpay – Ang Supremo ni Richard Somes, napagdesisyunan kong pagsabungin ang dalawang pelikula sa ngalan ng pagiging balido ng kasaysayan.

supremo poster           vs.             El Presidente- MMFF 2012 poster-sf

Unang una, ang Supremo. Tila ang pelikulang ito ay pinagplanuhang 2012_12_05_05_5115I-counter attack ang El Presidente. Ngunit, dahil ito’y matuturing na “indie film”, hindi ito naging sikat. Ilang mga kamalian ang napansin ko sa eksena kung saan sinubok ng Supremo si Aguinaldo upang makapasa sa Katipunan. Maraming nagsasabing mga historyador na hindi naman talaga nakapasa si Miong sa sa pagsusulit na ito ng Katipunan. Magpatuloy magbasa El Presidente vs. Supremo